Thursday, July 16, 2009

Mula kay Gng Fermin,

Para sa minamahal kong mga mag-aaral mula sa Charm, Gluon, Muon, at Tau

Wala akong anumang malakihang gawaing iiwan para sa mga araw ng suspensiyon ng klase. Ang mga pangkat na nakatanggap na ng kani-kanilang maikling kuwento ay maaaring magpatuloy sa pagbasa at pagsusuri nito. Ang mga pangkat na hindi nakatanggap ng kani-kanilang maikling kuwento dala ng dagliang suspensiyon ng klase dala na rin ng agarang pangangailangan ng paaralan na magsarang panandali upang mapanatili tayong lahat na ligtas at malusog ay walang dapat ipag-alala. Ang lahat ay nakaplano na sa inyong pagbabalik sa Pisay. Tatanggap kayo ng karampatang gawain na angkop sa ating sitwasyon.
Ako ang bubuo ng mga aksiyon at programang pangklase na tutugon sa mga nawalang araw sa atin. Ang bawat gawaing ito ay sinisigurado kong patas, naaayon sa ating pangangailangan at may sapat na konsiderayon para sa kahingian ng iba pa ninyong assignatura.
Makakatulong na tingnan ang “purple sheet” na ibinigay ng guro sa klase. Ang pinakamabuti ninyong magagawa ay magbalik-tanaw ukol sa iyong mga ala-alang pangkasaysayan ukol sa ating mga ninuno hanggang sa pananakop ng mga Kastila (na inaral ninyo noong First Year). At ang pinakamahalaga ay mapanatili ninyong malusog ang inyong mga sarili at malayo sa anumang sakit. Pinili kong di tumugon sa anumang mensaheng elektroniko. Magkita-kita na lamang tayo sa pagbubukas muli ng Pisay!

Ang inyong guro,

Ginang Flor E. Fermin

0 comments:

Post a Comment